Elehiya para ke Jerson Villar

 

Elehiya para kay G. Jerson Villar

Reposting this heart-warming elegy.
 
by Ares Gonzales (Notes) on Wednesday, April 27, 2011 at 7:08pm
 

sino nga ba ang makakakaligta?

sa kaibigan nating sa Rizal nagmula

balingkinitan ang pangangatawan

tangkad na talagang iyong hahangaan

 

kung sariwa pa ang iyong pag-aalaala

sa hulma ng kanyang mukha’t itsura

ala Rico Blanco ang dating nya o di ba?

tama ako?  bakit napapangiti ka?

 

fashionista kung pumorma

tindig na may sariling pirma

carry nya kasi ang bawat isuot nya

mahusay manamit kumbaga

 

kilala mo na ba ang aking tinutukoy?

imahe nya ba ay nabubuo na? ako man ay maligoy.

kailangan pa ba ng ilang pagbubuoy?

sige tena, paglalarawan sa kanya ay ating ipagpatuloy

 

siya ang guro sa Agham ng mga ikalawang taon

di nalimot ng mga mag-aaral taon may ay naglaon

masiyahing guro sa loob man o labas

ng silid aralan sa mga taon na lumipas

 

sa usapin naman ng pampalakasan

pangkat ng volleyball kanyang pinangunahan

mga kakampi nya kung hihingan ng panayam

“two thumbs up” kanilang sagot dyan

 

ang ginoong ito sa Ateneo man nagmula

wala kang yabang na sa kanya’y mahahalata

paa niya’y laging nakatapak sa lupa

binatang laging mapagkumbaba 

 

kung buo na ang imahe sa iyong isipan

sa karakter na aking inilalarawan

oo wala na ngang iba kundi si G. Jerson Villar

guro, tagapayo, kapatid at kaibigan

 

sa mga araw na ito, kaibigan natin ay nagpapaalam

sa pinal na landasin na kayang puputahan

sa paglisan mong ito iyong pakatandaan

baunin mo ang pagmamahal naming iyong mga kaibigan

 

kailan man ikaw ay di namin malilimot

sa pagpapatuloy ng mundo sa kanyang pag-ikot

mananatili ka sa aming mga puso

alaala mo di sa amin maglalaho

 

ikaw G. Jerson Villar ay mananatiling modelo

ng isang tapat na kaibigan sa mundong ito

sa iyong paghimlay pakaasahan mo

pangalan mo’y mananatili na may paggalang na totoo…

 

SIR,  

PARE,

KAIBIGAN,

TOL,

DUDE,

 

Paalam… Saludo ako sayo…..

 

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s