Ginebra! Ginebra! Ginebra!

Araneta Coliseum
May 12, 2013
Ginebra! Ginebra! Ginebra!

Ang sarap talaga maging fan ng Brgy. Ginebra.
Lalo na pag nananalo. Lalo na ngayong gabing ito. Tinalo kasi ng Ginebra ang Talk N’ Text na isa sa mga pinakamalakas na team sa PBA ngayon. Parang tinalo ng mga Ka-Barangay ang isang higante. Naalala ko tuloy si David at Goliath. Alam nyo naman ang istorya na ito. Isang maliit na tao na nagpatumba sa higante ng isang maliit na bato. Dito ang maliit na bato ay si LA Tenorio. Ang galing mo p’re! Kung kakandidato ka lang siguradong iboboto kita bilang Senador. Mabuti ka pa at least kahit isa ka lang basketbolista, napasaya mo ang milyong milyong tao na Ginebra fan. Di tulad ng mga trapo dyan na puro pahirap na lang ang ginagawa sa mamamayan. Tulad ko. Tulad mo. Tulad ng nakararami. Ang taas kaya ng bilihin. Mataas na pamasahe. Mataas na buwis. Tumaas na tuloy presyon ko. Sweldo lang ata hindi tumataas.

Image
Buti na lang andyan ang Ginebra.
Sumaya ulit ako. At asawa ko. At nanay at tatay at mga kapatid at pinsan ko. Pati buong barangay namin. Buong Pilipinas ata sumaya na rin. Pati aso naming si Lucas Podolski kahol na din ng kahol. Masaya din sya. Isa po syang Azkal. Hindi po yung ibang Azkal na naglalaro sa Global FC sa Cebu na natalo na naman. Lamang na ng 1-0, natalo pa. Akalain mong naiskuran pa tayo ng anim na sunod na goals? Arayko. Ang sakit non.
Buti na lang andyan ang Ginebra.
At si Jay Jay Helterbrand at Kerby Raymundo na parang naka-inum ng Cobra o Sting o Red Bull o Lipovitan. Nanumbalik ang kanilang dating lakas. Akalain mong kung hindi dahil sa kabayanihan nila, wala sana ang Ginebra sa finals. Naalala ko tuloy yung lumang Ginebra. Panahon ni Jaworski. Ang idol ng masa nuon at magpahanggang ngayon. Pag naalala ko si Jawo, naalala ko din si Jolas. Oo si Jojo Lastimosa. Isa sa mga taong taga Alaska na nagpahirap sa Ginebra nun. Sya din po kasi ang isa sa dalawang sport analyst na nag cover ng Ginebra-TNT game. Akalain mong konyo pala sya magsalita. Marami nainis. Ako naman kalma lang. Hinagis ko lang ang paso namin dito sa taas sa 5th floor papunta baba.
Buti na lang andyan ang Ginebra.
Nakita ko na naman si Mark Caguioa. Ang kalahati ng The Fast and The Furious na kasama si Helterbrand. Kinilabutan ako nung pinasok sya sa loob nung mga kulang kulang isang minuto na lang ang natitira. Ilang buwan na din kasi syang hindi naglalaro dahil sa injury. Huli akong kinilabutan nung panahon pa ni Jaworski, na nagsabi na “Kung ayaw mo masaktan, mag-chess ka na lang.” Naaalala pa kaya ni Jolas yun? Tsk. Mukhang na-bwiset na naman ako.

Image
Buti na lang andyan ang Ginebra.
Pati na rin si coach Alfrancis Chua. O Chualay kung aming tawagin nung bago pa lang akong dyarista nung 90s. Sa Stag Pale Pilsen pa kasi sya nagko-coach nuon. Naka pitong titulo sya noon. Pero sa PBA naghahanap pa rin sya ng unang titulo. Kaya nalungkot na naman ako. Kasi baka matalo siya sa finals. Haay, wasak na naman ako sigurado pag nangyari iyon.
Buti na lang andyan ang Ginebra.
Andyan din kasi si Mac Baracael. Isa sa sya sa mga paborito kong player na naglaro sa orihinal na Smart Gilas Pilipinas team na hinawakan nui Rajko Toroman. Ang team na umabot hanggang semifinals ng FIBA-Asia Championship sa Wuhan dalawang taon na nakakalipas. Ang koponan na giniba matapos pumasok si Chot Reyes, no coach na ng Gilas 2.0. Sayang. Kung hindi lang sana giniba yung team na yun, solid pa sana tayo. Host pa naman tayo ng FIBA-Asia Championship sa Agosto. Hinayang tuloy ako.
Buti na lang andyan ang Ginebra.
Kasi siguradong inuman matapos ang laro. Maski me liquor ban ang Comelec. Eleksyon kasi bukas kaya bawal talaga alak. Pero naisip ko, pwede naman siguro uminom dahil nanalo naman ang Ginebra. Ano kaya kung magtayo ako ng Party list? ALAKPA ang tatawag ko. Yung iba nga dyan, kung ano ano tinatayo hindi naman nila nire-represent ang tunay na mahihirap at sawi sa buhay. So magtatayo na rin ako para lang sa toma! Boto nyo ha.
Buti na lang andyan ang Ginebra.
Kahit me best-of-five finals pa laban sa Alaska, para na ring nag-champion ang mga Ka-Barangay. Sigurado naman ako na sa fans ulet aasa ang Ginebra, na galing sa baba o pagiging kulelat. Pero nasan na ang Ginebra ngayon? Sa finals! Tatlong panalo lang ang layo para mag-champion ulet. Maski isang beses lang nananalo sa tatlong enkwentro sa championship ang Ginebra sa Alaska, okay lang. Dahil sigurado ako pag sinigaw ito ng sabay-sabay parang panalo na rin. Di ba? Paano nga ba yun?
GINEBRA! GINEBRA! GINEBRA!

P.S.

Hey my brother from another mother V-Mack! You’re still great and not forgotten, don’t worry! You’re our man!

Follow Sportsmaryosep at Twitter: @JoeySVillar

Image

(Photos courtesy of pba.ph)

Advertisements

5 thoughts on “Ginebra! Ginebra! Ginebra!

  1. Sarap talaga maging fans ng ginebra…yung pakiramdam n kahit hindi sila ng champion at nanalo plng eh iba tlga…nice article…

  2. Nice Article sir isang patunay na matindi talaga ang impact ng Ginebra mapanalo o talo sa mga fans nila..Buti na lang talaga sir at may Ginebra…

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s